Ang daming kakaiba para sa akin ang nangyari sa araw na ito. Parang semi-pasko sa dami ng regalo. Mas marami pa nga yata kaysa sa karaniwang pasko.
Bago ako umalis ng bahay, unang pagkakataon ko na gawin ang basic-kuno-na-paghuhugas-ng-mukha. Matrabaho sa totoo lang. Pero tumatanda na ako at ayaw kong hayaan na lang ang araw na patandain ang mukha ko nang ganoon na lang xD. Kaya't nakapagfacial scrub ako (yehees, third day na), nakapagtoner (yoown, second day!) at first time na maglagay ng sunscreen moisturizer sa mukha. Hahaha. Arti.
Hmn.. tapos, sinimulan ko ang araw na ito sa driving school. Unang pagkakataon ko magpark ng paurong. Hindi pa mahusay, pero kahit papaano nasimulan na.
Nagkita kami ni Joy Ann. Pumunta kami sa Chocolate Kiss at unang pagkakataon naming matikman ang Dayap Cake. Napakatamis.. pero.. uh.. Parang marshmallow na tinunaw. Pero okey naman.
Naglakad kami at kumain sa Happy Thai. Unang pagkakataon kong kumain ng Thai Pad at ng Milk Tea. Masarap ang Thai Pad nila. Masarap din ang milk tea, kinailangan ko nga lang dagdagan ng medyo maraming tubig. Gano'n pala ang lasa ng milk tea. Parang tea... na may milk.
Haha!
Binigyan ako ni Joy Ann ng mga regalo. Ang saya-saya. Unang pagkakataon kong magkaroon ng concealer! Woot!! At ang lupit, may liquid eyeliner pa!! Shushal!! Parehong di ko pa nasusubukang gumamit ng pareho!
At dahil mabait siya, binigyan niya ako ng mga pasalubong galing Hong Kong!! Unang pagkakataon kong makakita ng ng fish sausage!! At may.. uh.. parang nakarolyo na kakaibang pagkain. Hindi ko maalala ang pangalan. Pero unang pagkakataon din!! :D
Pagkauwi ko, dumating na ang ilan sa mga packages na inorder ko sa internet. Woot!! May close-up filter na ako!! Unang pagkakataon kong makakita at gamitin!! Unang "macro" ko na mga shots!!
At ang pinaka-pinaka-pinaka-pinaka malupit sa lahat! Dumating ang regalo ni Thomas!!!! Sooooooooooooooooooooooooooooobraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaang astig, di ko kinakaya, hahahahahhahahaha. Nakakaiyak nga e. Electronic kit!! Grabe. Maliit pa lang ako, gusto ko na talaga matuto nito. Tas may pangmeasure pa ng kuryente na kasama. Arduino Uno at kung anu-ano pa. Hahaha. Sinubukan ko nang magbasa, pero.. uh, naghugas muna ako ng pinggan at pinakain si Jackie at naglinis ng bahay at maliligo muna ako. Hahaha! Sobrang excited na ako. ^________________________________^. Pero ayaw ko na munang pag-usapan at sabihin kay Thomas, wahahahahahahaha. Nakakahiya. XD. Kapag maayos na siguro 'yong nagawa ko. :D.
Sobrang excited na ako. :D
Pati yung make-up na bigay ni Joy Ann, gusto ko paglaruan, wahahahah.
... haaay. Bukas, malalaman ko na kung natanggap ako sa Patho. Bukas rin ako iinterviewihin ng Briton. Nakakatakot.
Nakakatakot. Nakakatakot.
Sana hindi ganito ang araw na ito para sa paghahanda bukas. Sabi nila, pagkatapos ng kasiyahan, may kalungkutan. Pero.. wala naman yata sa logic 'yon. Relative naman ang saya at lungkot.
Pagkatapos ng bukas. Malalaman ko.
:D. Sa Sabado, baka may eat-all-you-can sa Maginhawa, p'wede!! :D