Miyerkules, Setyembre 16, 2015

Tricycle Panning


Sinubukang i-edit.

Sa ikalawang araw ng aking paglalakad-lakad kahapon, sinubukan kong mag-aral ng panning. Bale ang panning ay kukuha ka ng litrato ng gumagalaw na bagay. Magfofocus do'n sa bagay na gumagalaw, tapos maiiwan yung background as blur.

Karamihan sa mga kinunan ko ng picture ay tricycle, kasi.. wala lang. Haha. Para dumami ang tricycle pictures sa internet. Hahaha.

Nasa loob lang ako ng village kaya hindi masyadong mabibilis ang mga sasakyan. Pero ang shutter speed ko kapag mga kotse ay 1/60. Kapag tricycle, nasa 1/40.

Ginawa ko nang tirik na tirik ang araw kaya napakainit. XD.

Ang hirap lang talaga mag-street photography dahil ang awkward. Haha. Nakakahiya na nakatingin ang mga tao na pinipicturan. Wala naman silang consent na pipicturan ko sila, kaya ang laking dilemma pa rin. Pero 'pag may mga nasasama na tao sa mga pictures natin sa public areas, hindi rin naman natin hinihingi ang consent nila hindi ba? @_@.. Sa balita, kapag may navivideo na mga tao, hindi na rin nila pinapaalam na nakasali sila sa maipapalabas sa TV. Dahil nasa public area, kaya public din ang litrato nila? Ethical ba 'yon? Ah, ewan. >_< Ang safe na lang siguro na p'wede kong gawin ay gamitin sa maayos na paraan ang mga letratong nakukuha ko. 'Wag pagkakitaan at 'wag pagkatuwaan ang mga tao.


AwkwardDahil prime lens ang gamit ko, kung gaano kalayo sa paningin ko ang subject,
halos gano'n din kalayo ang nakikita ko sa camera. :S

Kaya ayun, medyo problema dahil walang zoom in ang camera ko. Pero kung may zoom in ka, kaunting distansya lang at okey na. Mahirap lang kung sakaling medyo mahaba ang lente dahil pansinin sa kalsada. Ingat-ingat sa holdap. XD.
______

Steps kung paano ko ginawa ang panning (Nikon):
1. I-set sa Auto-focus continuous (AF-C) - dahil gumagalaw ang mga sasakyan! :D
2. Shutter speed priority
3. Kapag dumaan ang gumagalaw na bagay.. Sundan! XD.
4. Check ang image and adjust to taste ang shutter speed.

Ito ang pinanood ko bago 'ko sinubukan ang panning. Malinaw at basic pagpapaliwanag ni Gavin Hoey.



Narito pa ang mga panning pesyurs na nakuha ko. Wala na munang edit-edit. Ahehehe. (Kaya dapat talaga, kung paano natin kinukuha 'yong litrato, 'yon na halos yung mismong gusto nating itsura. Para wala nang edit! At para lagi tayong nagsastrive for perfection, haha. Charot.)
























Walang komento:

Mag-post ng isang Komento