Sabado, Oktubre 17, 2015

Pathology

Okey, excited na ako. Natanggap ako sa patho. Gusto kong simulan nang tama ang buhay ko, haha. Pero syempre, di ibig sabihin ay di ko na gagawin ang mga gusto ko. Sobrang saya ko nang dumating ang padala ni T na Arduino. Ang saya-saya. Kung interesado ka sa electronics at programming at wala ka pang karanasan, mahusay na start ang Arduino Uno. :D. Tapos s'yempre gusto ko pa ring tapusin ang computer science na course sa edX at matutunan ang Python. :)

Excited na rin ako gumawa ng research sa pathology. Gusto ko paglaruan ang computational pathology. Tingin ko napaka-interesante. Gusto ko ring ipasok ang electronics sa research. Hindi ko alam kung alin ang feasible pero nakakatuwa na may mga possibilities.

Pero s'yempre, nakakatakot kung gaano katarik ang learning curve na kailangan para maging pathologist. Pero interesting talaga. :D. Sana naman!

Owel papel. :)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento