Miyerkules, Oktubre 28, 2015

LTO Student License

Pumunta ako ng LTO sa East Avenue para sa aking student licenseWirdo lang na tapos na 'ko magdriving school bago ko pa nakuha ang ID ko, haha.

Sa pagkuha ng Student License, kailangang magdala ng NSO Birth Certificate at photocopy nito. Magtanong na lang sa guwardiya kung saan banda pupunta. Napakaraming guwardiya sa LTO. :D. (Kaso ang bilis nila magsalita, nakatatlong tanong pa ako bago ako nakarating sa building para student license kasi nahiya akong ipaulit yung sinabi nung ibang mga guard..)

Pag nando'n na sa building na 'yon. Sabihin ninyo sa information/guard na for Student License kayo para ituro niya kung saan ang pila. Sa Step 1, ipepresent ang NSO birth certificate at photocopy, tapos bibigyan kayo ng form na sasagutan ang ng number kung pang-ilan sa pila. Tingnan niyo kung pang-ilan kayo, nakadisplay siya sa harap ng window para sa student license. Kung may 100 pa ang layo, may isang oras ka pa para magliwaliw. Kaya wag bulukin ang sarili sa loob ng LTO. Haha. Sa kaso ko, 10 AM ako dumating, mga 11:45 pa ako natawag. Mga 105 ang layo ko sa pila. Namasyal muna ako at gumawa ng iba pang mga bagay, at pagbalik ko, malapit na ako sa pila. :D

Ibibigay ang form at NSO (+ copy) sa window. Susunod ay kukunan na ng litrato at pipirma na para sa ID. Mula sa parte na ito, mahirap na umalis, dahil tatawagin na mismo ang pangalan niyo. Kailangang nandoon lang kayo at naghihintay. Pagkatapos ng picture, bayad naman. Hantayan uli at kailangang tawagin muna ang pangalan. Pagkatapos ng bayaran, maghintay uli para sa releasing ng ID. Inabot ako ng kulang-kulang tatlong oras sa parte na ito. Kaya dapat medyo handa sa mapagkakalibangan. 3G, games, libro, o kung anumang ibang p'wedeng gawin. Sa kaso ko, nanood ako ng tao, naglaro ng kaunti sa selpown at nagdrowing nang nagdrowing.

Bila kong napasalamatang mahilig akong magdrowing dahil mula pala pagkabata e lagi na 'kong sinasalba ng drowing sa posibleng pagkabagot. :D

Hapi kuha ng student license! :D

Parada sa isipang walang magawa



Ugh

Sana hanggang n years mula ngayon!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento