Miyerkules, Oktubre 28, 2015

LTO Student License

Pumunta ako ng LTO sa East Avenue para sa aking student licenseWirdo lang na tapos na 'ko magdriving school bago ko pa nakuha ang ID ko, haha.

Sa pagkuha ng Student License, kailangang magdala ng NSO Birth Certificate at photocopy nito. Magtanong na lang sa guwardiya kung saan banda pupunta. Napakaraming guwardiya sa LTO. :D. (Kaso ang bilis nila magsalita, nakatatlong tanong pa ako bago ako nakarating sa building para student license kasi nahiya akong ipaulit yung sinabi nung ibang mga guard..)

Pag nando'n na sa building na 'yon. Sabihin ninyo sa information/guard na for Student License kayo para ituro niya kung saan ang pila. Sa Step 1, ipepresent ang NSO birth certificate at photocopy, tapos bibigyan kayo ng form na sasagutan ang ng number kung pang-ilan sa pila. Tingnan niyo kung pang-ilan kayo, nakadisplay siya sa harap ng window para sa student license. Kung may 100 pa ang layo, may isang oras ka pa para magliwaliw. Kaya wag bulukin ang sarili sa loob ng LTO. Haha. Sa kaso ko, 10 AM ako dumating, mga 11:45 pa ako natawag. Mga 105 ang layo ko sa pila. Namasyal muna ako at gumawa ng iba pang mga bagay, at pagbalik ko, malapit na ako sa pila. :D

Ibibigay ang form at NSO (+ copy) sa window. Susunod ay kukunan na ng litrato at pipirma na para sa ID. Mula sa parte na ito, mahirap na umalis, dahil tatawagin na mismo ang pangalan niyo. Kailangang nandoon lang kayo at naghihintay. Pagkatapos ng picture, bayad naman. Hantayan uli at kailangang tawagin muna ang pangalan. Pagkatapos ng bayaran, maghintay uli para sa releasing ng ID. Inabot ako ng kulang-kulang tatlong oras sa parte na ito. Kaya dapat medyo handa sa mapagkakalibangan. 3G, games, libro, o kung anumang ibang p'wedeng gawin. Sa kaso ko, nanood ako ng tao, naglaro ng kaunti sa selpown at nagdrowing nang nagdrowing.

Bila kong napasalamatang mahilig akong magdrowing dahil mula pala pagkabata e lagi na 'kong sinasalba ng drowing sa posibleng pagkabagot. :D

Hapi kuha ng student license! :D

Parada sa isipang walang magawa



Ugh

Sana hanggang n years mula ngayon!

Biyernes, Oktubre 23, 2015

Littman Classic II S.E. Rainbow

Yay! My cousin gave me a gift for passing the board exam. :D A new stethoscope! I'm not an clinician but of course I will use it! :D Very exciting to receive gifts via package! Haha.

Rainbow! Hihi.


Rainbow on the inside. XD



It is a Littman Classic II with Rainbow Finish Chestpiece. I think it's artistic and it fits my eclectic personality. Haha. :D. It also has a green tube which makes it more unique (compared to black).



I have a Cardio III stethoscope which was also given to me as a gift. I have used it to thousands of patients and it has maximized its use after monitoring sooo many patients in the ward. It's cool because its bell can be converted to a pediatric steth. Of course, it's also very sensitive when listening to murmurs. What's also good about it is that it's heavy. So when people borrow it, they tend to return it immediately. xD. However, since it's heavy... it's .. heavy.

What I like about the Classic steths is that they are lightweight :D. As a pathology resident, I will just use my stethoscope to screen patients in the Blood Bank. I might do some medical missions too. Hopefully, I can keep my new stethoscope new, lol. :D



Huwebes, Oktubre 22, 2015

DIY: Key Holder

Because most of the people here at home always forget where they put their car keys, I decided to make a key holder.


Materials:
Scrap wood (free: found it outside)
Pencil and eraser (free: found it in my drawer)
Ruler (free: found it in my toolbox)
Markers (free: found them in my cabinet)

Uh, question mark thing. I don't know what it's called. I bought it in Handyman for ~40 pesos.



I started by measuring the wood and dividing it to equal areas depending on how I want it. I then drew my design.
Montero = Monty!
Pajero = Pajie!
Captiva = Capty!
Tucson = Tucsy!
JAC = JAC
... = Tamiya!

I aligned and put the hooks to see if the car drawings will be affected.


I used ordinary markers to outline the sketch I made.

I used colored markers to color the letters. I wanted to color the cars too but I don't have the available colors to do it. I put the hooks after. :)


Simple and funny, haha. Doesn't look good but it does its purpose, haha. My mistake is I wasn't able to put enough space for the keys.


Make sure that your key holder is located in a secure place. You don't want robbers to enter your house and get all your car keys.

Sabado, Oktubre 17, 2015

Pathology

Okey, excited na ako. Natanggap ako sa patho. Gusto kong simulan nang tama ang buhay ko, haha. Pero syempre, di ibig sabihin ay di ko na gagawin ang mga gusto ko. Sobrang saya ko nang dumating ang padala ni T na Arduino. Ang saya-saya. Kung interesado ka sa electronics at programming at wala ka pang karanasan, mahusay na start ang Arduino Uno. :D. Tapos s'yempre gusto ko pa ring tapusin ang computer science na course sa edX at matutunan ang Python. :)

Excited na rin ako gumawa ng research sa pathology. Gusto ko paglaruan ang computational pathology. Tingin ko napaka-interesante. Gusto ko ring ipasok ang electronics sa research. Hindi ko alam kung alin ang feasible pero nakakatuwa na may mga possibilities.

Pero s'yempre, nakakatakot kung gaano katarik ang learning curve na kailangan para maging pathologist. Pero interesting talaga. :D. Sana naman!

Owel papel. :)


Coffee Collection!

My favorite blend is Kapeng Bailen from Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite. It is a blend of Liberica, Excelsa and Robusta. Next is Pahimis Blend of Cafe Amadeo from Amadeo, Cavite which is a blend of Arabica, Robusta and Liberica.

I am excited to try Kape de Kalinga from Tabuk, Kalinga. I read somewhere that Kalinga coffee is purely Robusta, so it's interesting. I'm also excited to give Arabica another chance to beat my favor to Liberica (Barako). :D. One of my pure Arabica coffee is from Sweden and the other one from Hawaii.


If only I know how to taste coffee the proper way, haha. I want to review each of them. XD. Poshycharot. XD.


Biyernes, Oktubre 16, 2015

Driving Lessons Day 4

Kapag liliko sa kanan, hintayin na pumantay ang side mirror sa first third ng corner ng island
Ikabig sa kabila ang manibela kapag mga 10 degrees mula sa gitna ng kalsada.



Kapag 15 kph na, 2nd gear.

Huwebes, Oktubre 15, 2015

Driving Lessons Day 3

Wala naman, nagdrive lang kami papuntang Fairview.

Turning???
1. Start ang pagliko kapag kapantay na ang kanto ng island
2. Lumiko kapag kalahati na ng kotse ang lumagpas sa island

Pagbaba ng gear
1. Kunwari nasa 3
2. Neutral, konting break.
3. Neutral, lower gear.



Miyerkules, Oktubre 14, 2015

Driving Lessons Day 2

Mukhang medyo malungkot si Kuya B ngayong araw. @_@.. Heniwey, para sa Day 2!

Parking facing the wall

Parking pwet facing the wall
Position ng paa brake at gas




Unang Pagkakataon

Ang daming kakaiba para sa akin ang nangyari sa araw na ito. Parang semi-pasko sa dami ng regalo. Mas marami pa nga yata kaysa sa karaniwang pasko.

Bago ako umalis ng bahay, unang pagkakataon ko na gawin ang basic-kuno-na-paghuhugas-ng-mukha. Matrabaho sa totoo lang. Pero tumatanda na ako at ayaw kong hayaan na lang ang araw na patandain ang mukha ko nang ganoon na lang xD. Kaya't nakapagfacial scrub ako (yehees, third day na), nakapagtoner (yoown, second day!) at first time na maglagay ng sunscreen moisturizer sa mukha. Hahaha. Arti.

Hmn.. tapos, sinimulan ko ang araw na ito sa driving school. Unang pagkakataon ko magpark ng paurong. Hindi pa mahusay, pero kahit papaano nasimulan na.

Nagkita kami ni Joy Ann. Pumunta kami sa Chocolate Kiss at unang pagkakataon naming matikman ang Dayap Cake. Napakatamis.. pero.. uh.. Parang marshmallow na tinunaw. Pero okey naman.

Naglakad kami at kumain sa Happy Thai. Unang pagkakataon kong kumain ng Thai Pad at ng Milk Tea. Masarap ang Thai Pad nila. Masarap din ang milk tea, kinailangan ko nga lang dagdagan ng medyo maraming tubig. Gano'n pala ang lasa ng milk tea. Parang tea... na may milk.

Haha!

Binigyan ako ni Joy Ann ng mga regalo. Ang saya-saya. Unang pagkakataon kong magkaroon ng concealer! Woot!! At ang lupit, may liquid eyeliner pa!! Shushal!! Parehong di ko pa nasusubukang gumamit ng pareho!

At dahil mabait siya, binigyan niya ako ng mga pasalubong galing Hong Kong!! Unang pagkakataon kong makakita ng ng fish sausage!! At may.. uh.. parang nakarolyo na kakaibang pagkain. Hindi ko maalala ang pangalan. Pero unang pagkakataon din!! :D

Pagkauwi ko, dumating na ang ilan sa mga packages na inorder ko sa internet. Woot!! May close-up filter na ako!! Unang pagkakataon kong makakita at gamitin!! Unang "macro" ko na mga shots!!

At ang pinaka-pinaka-pinaka-pinaka malupit sa lahat! Dumating ang regalo ni Thomas!!!! Sooooooooooooooooooooooooooooobraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaang astig, di ko kinakaya, hahahahahhahahaha. Nakakaiyak nga e. Electronic kit!! Grabe. Maliit pa lang ako, gusto ko na talaga matuto nito. Tas may pangmeasure pa ng kuryente na kasama. Arduino Uno at kung anu-ano pa. Hahaha. Sinubukan ko nang magbasa, pero.. uh, naghugas muna ako ng pinggan at pinakain si Jackie at naglinis ng bahay at maliligo muna ako. Hahaha! Sobrang excited na ako. ^________________________________^. Pero ayaw ko na munang pag-usapan at sabihin kay Thomas, wahahahahahahaha. Nakakahiya. XD. Kapag maayos na siguro 'yong nagawa ko. :D.

Sobrang excited na ako. :D


Pati yung make-up na bigay ni Joy Ann, gusto ko paglaruan, wahahahah.


... haaay. Bukas, malalaman ko na kung natanggap ako sa Patho. Bukas rin ako iinterviewihin ng Briton. Nakakatakot.

Nakakatakot. Nakakatakot.



Sana hindi ganito ang araw na ito para sa paghahanda bukas. Sabi nila, pagkatapos ng kasiyahan, may kalungkutan. Pero.. wala naman yata sa logic 'yon. Relative naman ang saya at lungkot.


Pagkatapos ng bukas. Malalaman ko.


:D. Sa Sabado, baka may eat-all-you-can sa Maginhawa, p'wede!! :D


Martes, Oktubre 13, 2015

Driving Lessons Day 1

Pagkabayad namin sa driving school, napasabak na agad ako sa driving lessons. Uh.. Isusulat ko lang dito sa blog ang ilan sa naalala ko para hindi ko makalimutan. Kung mali ang pagkakaalala ko.. uh.. e di hindi ko naalala, haha. xD.

Una! : Ang ginagawa pagkapasok sa kotse.
1. Umupo at siguraduhin na abot ng tarsals ang clutch.
2. Ikabit ang seatbelt.
3. Ilagay sa neutral ang kambyo
4. Apak clutch. Ikot susi. (Dapat mapaandar ang sasakyan sa loob ng 3 seconds. -- Ignition. Kapag nag-iignite ng matagal. Depende sa model kung aapakan ang clutch sa ignition).

Pagpapaandar!
1. Sagad clutch, lagay sa 1.
2. Release clutch slowly. Pag kumagat na, release.

Change gear!
1. Sagad clutch, lagay sa x.
2. 3-second-release. (Kapag nag-rerelease dapat ang binti ang gumagalaw, hindi lang ang paa)
3. Bitaw kapag kumagat na.

Half Brake!
1. Sagad clutch
2. Dahan-dahang brake.

Full brake!
1. Sagad clutch
2. Dahan-dahang brake.

Slight brake..
1. Dahan-dahang brake -- no clutch.

Ways para mag slowdown
> Pindot clutch habang tinintimpla
> Release accelerator
> Kaunting brake

Parallel Parking
1. Tabihan ang kotseng nasa harap. Side-by-side sa side mirror. Mga half meter away.
2. Sagarin sa kanan ang manibela.
3. Clutch. Reverse. Slowly release. Hanggang kalahati na ng kotse ang nakabariga sa pwet ng tinabihang kotse.
4. Straight ang manibela.
5. Clutch. Reverse. Slowly release.
6. Sagaring ang manibela sa kaliwa.
7. Clutch. 1. Slowly release.
6. Siguraduhin na may space sa harap para kapag umalis ang nasa likuran at may tumutok na bago. Makakaalis ka pa rin dahil may sapat na space sa harap.


Hanging
1. Clutch. Brake.
2. Slowly release clutch. Once with vibrations, slowly release brake.
3. Gas

Ending
1. Park. Clutch, brake. Clutch, neutral. Hand brake.
2. Turn off ALL equipments.
3. Ikot susi.
4. Lock manibela.
5. Primera

*Angat - right signal light
*Baba - left signal light

Huwebes, Oktubre 8, 2015

"Why don't you get started?"

Kapag alam mo ang gusto mong gawin sa buhay pero nag-qu-quarterlife crisis ka dahil wala ka pang nagagawa kahit isa. Ang dami mo nang "achievements" sa mata ng ibang tao, pero wala ka pa ring naaabot para sa sarili mo.

Bakit di mo simulan dahan-dahan? Bakit di mo simulan ngayon?


Bakit ba wala kang tiwala sa sarili mo? Natatakot ka ba na hindi mo pala kaya ang mga bagay na tanging ginugusto mo? Natatakot ka ba na hindi mo masimulan ng tama?

Bakit di ka ba magsimula? Ngayon?



Playlist para sa. Para sa mga gusto naman, pero hindi pa umuusod. Para sa mga binubulate ang tiyan, gusto daw, pero hindi pa magsimula.

Binubulok mo lang ang sikmura mo. Wala ka lalong magagawa.

Simulan mo na ngayon.


___

Gawa ka na ng iskedyul kung paano mo ilalagay sa pang-araw-araw na buhay mo ang 'buhay' mo.



Hindi tayo nabuhay para mamatay.


Tagay!


<hindi nga pala ako umiinom>

Miyerkules, Oktubre 7, 2015

Non-Clinical Physician: Job Hunting

Kung may kakilala sana ako na mag-ga-guide sa 'kin. Ang hirap ng napadpad sa mundong hindi mo trip kung ano ang daloy.

Para sa mga katulad kong doktor na ayaw ng pasyente, anu-ano ba ang mga p'wedeng landas? P'wede bang mabuhay nang normal lang ang gising ang tulog? P'wede bang maging masaya naman?

Haaay.

Research-beybi!! Magkikita rin tayoooooo!! TT_TT

___


Kung anu-ano in-applyan ko. Kung anu-ano na rin ang nagrereply.


Gaaahd. Kailangan ko ng guidance. Sarili 30 years from now! Kausapin mo ko!! Purizuuu. T^T