Miyerkules, Setyembre 16, 2015

Tricycle Panning


Sinubukang i-edit.

Sa ikalawang araw ng aking paglalakad-lakad kahapon, sinubukan kong mag-aral ng panning. Bale ang panning ay kukuha ka ng litrato ng gumagalaw na bagay. Magfofocus do'n sa bagay na gumagalaw, tapos maiiwan yung background as blur.

Karamihan sa mga kinunan ko ng picture ay tricycle, kasi.. wala lang. Haha. Para dumami ang tricycle pictures sa internet. Hahaha.

Nasa loob lang ako ng village kaya hindi masyadong mabibilis ang mga sasakyan. Pero ang shutter speed ko kapag mga kotse ay 1/60. Kapag tricycle, nasa 1/40.

Ginawa ko nang tirik na tirik ang araw kaya napakainit. XD.

Ang hirap lang talaga mag-street photography dahil ang awkward. Haha. Nakakahiya na nakatingin ang mga tao na pinipicturan. Wala naman silang consent na pipicturan ko sila, kaya ang laking dilemma pa rin. Pero 'pag may mga nasasama na tao sa mga pictures natin sa public areas, hindi rin naman natin hinihingi ang consent nila hindi ba? @_@.. Sa balita, kapag may navivideo na mga tao, hindi na rin nila pinapaalam na nakasali sila sa maipapalabas sa TV. Dahil nasa public area, kaya public din ang litrato nila? Ethical ba 'yon? Ah, ewan. >_< Ang safe na lang siguro na p'wede kong gawin ay gamitin sa maayos na paraan ang mga letratong nakukuha ko. 'Wag pagkakitaan at 'wag pagkatuwaan ang mga tao.


AwkwardDahil prime lens ang gamit ko, kung gaano kalayo sa paningin ko ang subject,
halos gano'n din kalayo ang nakikita ko sa camera. :S

Kaya ayun, medyo problema dahil walang zoom in ang camera ko. Pero kung may zoom in ka, kaunting distansya lang at okey na. Mahirap lang kung sakaling medyo mahaba ang lente dahil pansinin sa kalsada. Ingat-ingat sa holdap. XD.
______

Steps kung paano ko ginawa ang panning (Nikon):
1. I-set sa Auto-focus continuous (AF-C) - dahil gumagalaw ang mga sasakyan! :D
2. Shutter speed priority
3. Kapag dumaan ang gumagalaw na bagay.. Sundan! XD.
4. Check ang image and adjust to taste ang shutter speed.

Ito ang pinanood ko bago 'ko sinubukan ang panning. Malinaw at basic pagpapaliwanag ni Gavin Hoey.



Narito pa ang mga panning pesyurs na nakuha ko. Wala na munang edit-edit. Ahehehe. (Kaya dapat talaga, kung paano natin kinukuha 'yong litrato, 'yon na halos yung mismong gusto nating itsura. Para wala nang edit! At para lagi tayong nagsastrive for perfection, haha. Charot.)
























Axillary Artery Memory Aid (HelpHippo)

I highly recommend the mnemonic by HelpHippo in remembering the branches of the axillary artery. I used this mnemonic when I was cramming for anatomy. Hope this helps. :)



There are other memory aids from HelpHippo that you may find useful. Check their channel. :)


Martes, Setyembre 15, 2015

Naked RNA Memory Aid (Tagalog)

Sa PLE August 2015, hindi high-yield ang tanong na "which of the following is a single stranded chorlaNA, which one is naked chukchakNA? which one is enveloped?" et cetera, et cetera. Pero may mnemonic ako para matandaan ang naked RNA at mga dapat matandaan sa mga naked RNA. 

Nakapaskil sa pintuan ng kuwarto ko habang naghahanda sa boards


Naked = Hubad. 

"Hubad ang PUTS"

P - wet: Diarrhea. Most common cause of viral diarrhea in adults and in children - Norvo and Rota
U - tak: Aseptic meningitis. Three groups causing aseptic meningitis. Think of hand, foot and echo (Ang random ng echo, haha. Basta, echo!) 
  • Coxsackie - HAND, foot and mouth disease
  • Polio - FOOT (madalas nating makita sa lower extremity)
  • Echo - ))))))
T - AE: Hep A and E are orofecal transmission, hence, TAE.
S - ipon. Rhinovirus. 


Medyo sabaw, pero maraming must-know ang nasasama sa mnemonic na 'to. Madaling lumabas sa boards ang mga diarrhea, aseptic meningitis, orofecally na transmission ng Hep. 

No'ng August 2015 na PLE, parang may naalala akong may nadaanan about aseptic meningitis. Sa boards kasi hindi nila directly tinatanong ang mga facts. Pamigay na 'yon kapag masyadong straight to the point. Ang style nila, dapat alam mo na 'yong mga facts. Tapos assuming na alam mo nga, magbibigay sila ng mga tanong -- p'wedeng situational, p'wedeng theoretical. Gusto nilang nag-iisip ang mga kumukuha ng boards. More of analysis ang exam kaysa recall. Pero hindi ibig sabihin walang recall. Mapapa-recall ka na lang habang nag-aanalyze, haha. Kailangang INTINDIHING mabuti ang mga konsepto. 

Kung may mali, comment na lang. Sana makatulong.




Scarred Brachial Plexus Dog: Brachial Plexus Memory Aid

This is the easiest way for me to draw the brachial plexus. :o3


I made this diagram to easily remember the brachial plexus. It's also good in remembering some of the conditions due to brachial plexus lesions. The brachial plexus dog is based in First Aid from the USMLE Step 1 2014 (Le, Vikas & Sochat, 2014).


You will notice that brachial plexus in 2D is quite symmetrical, except for the part in the anterior division where it converges to lateral cord. So I got the idea of a scarred dog to easily remember that part. (The scar is drawn using a red pen.)

Here is how the brachial plexus dog works:

Click the image to enlarge

Compare your own brachial plexus dog with Netter's Illustration


Other details:

In naming the root, trunk, division, cord and branches, just be guided by the change in the number of the group nerves. Just count the nerve groups from top to down.

  • It starts with 5 roots (ear part). (C5, C6, C7, C8 and T1)
  • On the eye part, the 5 group of nerves changed to 3 groups (eye part). trunk (superior, middle, inferior)
    • right eye - Waiter's tip - superior
    • middle
    • left eye - Claw hand - inferior
  • After 3 groups, it changed to 6 groups (scar part). division (3 anterior, 3 posterior)
    • The nerves converging to the nose is the posterior division.  
  • From 6 groups, it went back to 3 groups (nose part). cord 
    • nose = posterior cord
    • scar above = lateral cord (latigo, lateral ;) )
    • medial cord
  • This will not work for the branches part anymore. Anyway, it's a must-know that the axillary nerve, the radial nerve, the musculocutaneous nerve, the median nerve and the ulnar nerve are the five terminal branches. 


Some use mnemonics to remember the group of nerves. First Aid suggests "Randy Travis Drinks Cold Beer". You can make your own. Hmn.. like "Red Tadpoles Decay Corpse Brutally", haha or "Rotten Trees Dead Corpse Bulate", hahaha. What I use is just thinking that the brachial plexus starts with roots because... because... brachial plexus will start from.. the nerve roots! Where else?! Then like a tree, it starts from the roots then the trunk. At the end of the tree, there are the branches. DC separated the branch from the trunk.. DC = disconnected, hahaha. Lol. Just use whatever works for you. :D 


This is the poster I made which I put in my room to keep myself familiarized with the brachial plexus.

Leave a comment if you see any mistakes. Thanks. :D



---------

One of the most scarring part of my medical school is when I was asked to discuss Brachial Plexus in front of consultants, residents, medical interns and clerks. I was chosen by my groupmates to do the job because they thought that I am good with making powerpoint presentations. I do powerpoints, but I rarely present it so it was a bit scary. I tried to study it well, made a very simple powerpoint and prepared a 3D program so I can explain brachial plexus clearly.

But when I started speaking, a consultant told me to stop using Tagalog words OR I should just choose on whether speaking straight Tagalog or straight English. Of course, there is no direct translation for very specific anatomical parts in Tagalog, I had no choice but to speak in English. I told the consultant that I stutter when I speak in English and that I can't express my thoughts clearly in English. And then consultant said, "How will you present your research paper in the international setting if you can't speak English?"

It was very embarrassing. I felt so humiliated. I felt somewhat harassed. I felt that my knowledge on the topic was measured by my ability to speak in English... which I couldn't do well.

PFff. Being in the University of the Philippines, I was disappointed with the consultant. We were not in a communication class. Everyone understands my Taglish. I prepared to do a report which will make everyone understand and remember brachial plexus, not to practice my English-speaking skills. I was not presenting a research paper. I was trying to teach a concept! The university has always promoted the use of the mother tongue to teach, so what's the problem?!?! Aah!! Pff. It's the culture of the medical people -_-. Old skOOl-hierarchy-based-I'm-superior-you're-stupid. And yes, I'm being irrational now. xD.

Anyway, it ended as a mess. I forgot many things. I was asked questions that I couldn't answer. I wasn't able to use the 3D anatomy program. I was stuttering. I was mispronouncing words. I didn't know what to say. Hahahaha. At least the entire report is now over, that is what's important. XD. I told myself that I should be able to publish a Tagalog research paper internationally someday. (I also myself that I should be good in speaking English to avoid that situation again next time. Hahaha.)

Sighs. Medschool. :P

I hope that my brachial plexus dog will save you from that kind of situation, lol. Enjoy.


Lunes, Setyembre 14, 2015

BANGAW Photography

Big Langaw = Bangaw

Dahil matagal na rin akong may DSLR pero hindi ko pa rin alam gamitin, naisipan kong gawing morning exercise ang pagkuha ng letrato sa daan. Nikon D90 50 mm prime lens ang gamit ko. Mahusay daw itong pang-street photography, napanood ko sa YouTube [lingk]. Ang kaso, di ko yata kayang ma-micture na lang ng mga tao. Haha. Baka masapak ako ng de-oras. So medyo naging specialized na uri ng street photography ang nangyar, naging street-plants and street-bangaw photography. Haha.

Hangga't maaari ayoko nang magphotoshop. Gusto matuto sanang mag-commit na kapag nakuha na ang letrato. Period-no-erase, kain-lock, walang goma. (dahil hindi ako masyadong masipag) xD.

Pero di pa rin ako magaling, kaya may ilang letrato pa rin akong phinotoshop. Hahay. Kaunting exposure lang naman at crop.

Hapi Bangaw Viewing! :D

Magsa-slide na ako, weee!
Ang confusing ng daan ng life, huhu-bells.

Aaah... Self-actualization.

Exposure edited sa Photoshop.

Ano'ng meron sa baba?

Bangaw Loverz. 


Uma-angle

Every step you take, I'll be watching you.

Top of the world

Iba pang mga pictures sa paglalakad-lakad dito sa Teachers Village.


Bauhenia! Alibangbang :D

Sitsiritsit _______.

Permanent Dungaw sa Bintana

Green Balahibo

Gapang

Uh..

Kidlat-charot

Bilog Leaf

Bangaw-Haws

Wishrum

Star!

Kembot

Ulasimang Kongrektong Bato

Pagbabadya

Hide but Seek

Kabilang


Lunes, Mayo 5, 2014

Ded at Alayb

Papunta ako sa duty ko kahapon sa ospital nang madaanan ko ang dalawang patay na ibon na 'to sa daan. Nasa tapat lang sila ng Patho building, ang lugar kung saan ginagawa ang autopsy.

Mga patay na ibon
Hindi ko alam kung paano sila namatay. Tinirador ba sila? O Nakainom ng formalin galing sa Autopsy-han building. Mga sisiw ba sila na nahulog sa pugad mula sa bubong? Ewan Di ko alam ang nangyari sa kanila. Hindi ko na rin malalaman.

Uh.. sandali. Pa-autopsy ko kaya sila?

Hmmmmmmm.

Kaunting lakad-lakad pa at nakita ko naman ang malaking gamu-gamong ito.


Dead Gamu-gamo

Nakalimutan ko na kung ano ang naramdaman ko. Basta, 'yon. Hindi naman ako nalungkot. Pero, ayun, haha.

Naglakad-lakad pa ako.

Nakita ko ito.




Mga tuyong dahon. Patay rin naman sila, pero, hindi sila tulad ng patay na ibon at patay na Gamu-gamo. Pero parte lang sila ng isang puno o kung anumang halaman. Buhay pa rin ang puno, natapos na lang ang buhay ng mga galamay. Kung baga sa tao, gangrenous foot, ang kinaiba lang, tutubo naman uli.


Tuyong dahon muli.

Mahal kong dahon.

Dahon.

Nakita ko rin ang mga maliliit na bunga na natuyo at nahulog na sa daan. Abortion bang maituturing kung hindi na sila tumubo dahil sa kongkreto sila bumagsak? Patay ba silang tunay? Babies ba sila? Naputol ba ang siklo ng buhay? Hmnn.. At dahil ba marami sila, mas wala silang halaga?

Mga tuyong bunga sa ilalim ng araw
Matapos ang duty buong gabi at sa umaga, sumama na ako sa aking mga kamag-aral para kumain sa Robinson. Sa Sbarro kami kumain at bagama't kuripot ako, napabili ako ng mahal na pagkain dahil mukha talagang masarap.

Ang masarap na di ko alam ang tawag at hindi maganda ang pagkakapesyur ko kaya't di mukhang masarap.
Napapaligiran ako ng namamatay. Narito ako't kumakain ng napakasarap para mabuhay.

Nabubuhay at namamatay.


Sabado, Mayo 3, 2014

Bulate-style Potato Balls


Ang potato balls o raspeball ay... pakibasa na lang, ang hirap mag-explain, haha.

Isa raw ito sa pinakasimpleng tradisyonal na pagkaing Norwego. Ugh. Hindi ko alam kung de hamak lang talagang mas madaling lutuin ang mga Pilipinong pagkain o bano lang talaga ako. 

Mula sa pagsisiyasat sa internet at sa pagtatanong sa isang tunay na Norwego (salamat!). Nabuo ko ang recipe ng Patatas Balls. Hindi pa ako nakakatikim ng totoong patatas balls, pero mukhang malapit naman sa nagawa ko. Nirerekomenda ko ang paraang ginamit ko sa mga Pilipinong wala namang food processor (dahil di naman uso dito 'yon, haha) at wala ring rutabaga o kålrabi (na hindi ko rin alam kung paano ibigkas). 

Paumanhin at wala akong ginamit na measuring cups o spoon sa pagluluto ko rito. Tantsa method na lamang. 



WORM'S RASPEBALL


Ang isang malaking patatas na halos sing laki ng kamao ay tama lamang para sa isang tao. 

Ingredients: 

2 big potatoes (good for two) - 25% ng mga patatas ay lulutuin bago pa gagawing balls at ang natitirang 75% ay mananatiling hilaw bago gawing balls. Kung may dalawang patatas, nangangahulugan lamang na may kalahating patatas na lulutuin at may isa't kalahating hindi muna lulutuin.

Left-over bread crumbs (optional) -- Left over at optional kasi parang walang point masyado, e. Normal na breadcrumbs sa supermarket lang ang binili ko. Dapat daw brown bread na tumigas o_O. Wala akong brown bread, e.

Flour - Dapat raw ay 'yong may brown-brown pa, 'yong parang mas kita ang butil-butil. Pero ewan, wala rin akong nakitang gano'n. Third class flour ang ginamit ko, iyong pang-monay, haha. Ang rationale lang naman daw nito ay para makaabsorb ng tubig kapag ginagawa na ang balls sa potato balls. Basically, kaunti lang ang kailangan, mga isang kutsara, kaya huwag bumili ng isang kilo.

Ground beef

Salt

Onions

Green peas

Sausages - Hungarian at Hollander Sausages ang binili ko. Hangga't maaari 'yong imported ang gamitin para tama ang lasa. Binili ko sa SM North Hypermarket ang sausages. Hindi iyong hotdog o longganisa o local na sausage. Filipinized na kasi ang lasa ng sausages natin kaya baka hindi bumagay sa patatas.

Butter - binili ko ay 'yong Lurpak Butter galing Denmark na nakita ko sa supermarket. Uh. Hindi naman nalalayo ang lasa ng Lurpak sa normal na butter natin. Mas mahal ang Lurpak kaya kung nagtitipid, kahit 'yong Magnolia Dairy Cream o kung anuman ay ayos lang.

1 Singkamas - pamalit sa rutabaga o Swedish turnip. Sabi ng wikipedia, Mexican turnip daw ang singkamas. Oh well papel, ayos naman ang singkamas. :D

Random plant for garnish - dahon ng talinom at dahon ng bayabas ang ginamit ko. Pakiusap na pakilinis lang kung sakaling galing sa lupa ang dahon, baka naihian 'yan ng pusa o aso o daga.

Paki-sundan na lang ang diagram para sa metodolohiya ng pagluluto. :D

Methodology:

1.     Kaldero 1: 2 tablespoons of ground beef + 1 minced onions + salt --> BOIL [Core 1]

Kaldero 2: Sausages --> BOIL (set aside)
Kaldero 2: 25% of potatoes (skinned and sliced) , green peas --> BOIL (set aside)

Pakuluan ang giniling na baka kasama ng pinong sibuyas at kurot ng asin. Ito ang magiging core ng potato balls. Kung baga sa siopao, ito 'yong palaman. 

Pakuluan ang sausages at singkamas.

Hanguin ang sausages at patatas at paghiwalayin.

2.   4 tablespoons of broth from the ground beef + 20 grams butter --> MELT (set aside)

3.     1 1/2 potatoes (skinned) --> GRATE or slice into smaller pieces then put in a BLENDER which is much easier. Get a piece of cloth or handkerchief. Put the grated or blendered potatoes on it, then squeeze the water out of the ground potatoes. Don't squeeze too hard or the potatoballs will be end up chewy. 

      Skin the singkamas/Mexican turnip --> GRATE or use a BLENDER (get the juice as well) -- (set aside)

Grated raw patatas
Dehydrated grated patatas. This one is over dehydrated because I gave all my effort in squeezing the water out of the grated potatoes.

4.     Boiled potatoes from #1 --> MASH

5.     Raw potatoes + Cooked potatoes + 1 tablespoon of  flour + Salt + 1 1/2 tablespoon of bread crumbs -->  MIX [Dough]

Mashed cooked potato with the grated raw potatoes
Mix. Mix.

Paghalu-haluin at ito ay ang magiging dough. :D

6.     [Core] + [Dough] --> Balls (turn the core into an inner core, and the dough as the outer core)


Potato balls with the ~1 tablespoon of ground beef inside each



7.     Kaldero 1: Potato balls --> BOIL, 30 minutes. Wait until they float.

8.   Serve the potato balls with sausages, green peas and mashed turnip. Pour the broth with butter on the potato balls. Put a random stem with leaf to prettify. 

Make sure to eat the potatoes with the singkamas, green peas and sausages. You can also put more butter on the potato balls while eating. Kakaibang experience! :D Endyoy! :D


Ideally, it should be garnished in a more formal and appetizing manner. However...

Potato balls done using a blender

Pasensya na sa pangit na quality ng pictures. 1.3 pixel front camera lamang ang gamit ko kahit haytek na ang panahon, haha. Nagluluko din ang photoshop ko, kaya hindi ko man lang na-edit ng maayos. Anywa, 'yan na! Haha. :D