Lunes, Mayo 5, 2014

Ded at Alayb

Papunta ako sa duty ko kahapon sa ospital nang madaanan ko ang dalawang patay na ibon na 'to sa daan. Nasa tapat lang sila ng Patho building, ang lugar kung saan ginagawa ang autopsy.

Mga patay na ibon
Hindi ko alam kung paano sila namatay. Tinirador ba sila? O Nakainom ng formalin galing sa Autopsy-han building. Mga sisiw ba sila na nahulog sa pugad mula sa bubong? Ewan Di ko alam ang nangyari sa kanila. Hindi ko na rin malalaman.

Uh.. sandali. Pa-autopsy ko kaya sila?

Hmmmmmmm.

Kaunting lakad-lakad pa at nakita ko naman ang malaking gamu-gamong ito.


Dead Gamu-gamo

Nakalimutan ko na kung ano ang naramdaman ko. Basta, 'yon. Hindi naman ako nalungkot. Pero, ayun, haha.

Naglakad-lakad pa ako.

Nakita ko ito.




Mga tuyong dahon. Patay rin naman sila, pero, hindi sila tulad ng patay na ibon at patay na Gamu-gamo. Pero parte lang sila ng isang puno o kung anumang halaman. Buhay pa rin ang puno, natapos na lang ang buhay ng mga galamay. Kung baga sa tao, gangrenous foot, ang kinaiba lang, tutubo naman uli.


Tuyong dahon muli.

Mahal kong dahon.

Dahon.

Nakita ko rin ang mga maliliit na bunga na natuyo at nahulog na sa daan. Abortion bang maituturing kung hindi na sila tumubo dahil sa kongkreto sila bumagsak? Patay ba silang tunay? Babies ba sila? Naputol ba ang siklo ng buhay? Hmnn.. At dahil ba marami sila, mas wala silang halaga?

Mga tuyong bunga sa ilalim ng araw
Matapos ang duty buong gabi at sa umaga, sumama na ako sa aking mga kamag-aral para kumain sa Robinson. Sa Sbarro kami kumain at bagama't kuripot ako, napabili ako ng mahal na pagkain dahil mukha talagang masarap.

Ang masarap na di ko alam ang tawag at hindi maganda ang pagkakapesyur ko kaya't di mukhang masarap.
Napapaligiran ako ng namamatay. Narito ako't kumakain ng napakasarap para mabuhay.

Nabubuhay at namamatay.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento