Lunes, Mayo 5, 2014

Ded at Alayb

Papunta ako sa duty ko kahapon sa ospital nang madaanan ko ang dalawang patay na ibon na 'to sa daan. Nasa tapat lang sila ng Patho building, ang lugar kung saan ginagawa ang autopsy.

Mga patay na ibon
Hindi ko alam kung paano sila namatay. Tinirador ba sila? O Nakainom ng formalin galing sa Autopsy-han building. Mga sisiw ba sila na nahulog sa pugad mula sa bubong? Ewan Di ko alam ang nangyari sa kanila. Hindi ko na rin malalaman.

Uh.. sandali. Pa-autopsy ko kaya sila?

Hmmmmmmm.

Kaunting lakad-lakad pa at nakita ko naman ang malaking gamu-gamong ito.


Dead Gamu-gamo

Nakalimutan ko na kung ano ang naramdaman ko. Basta, 'yon. Hindi naman ako nalungkot. Pero, ayun, haha.

Naglakad-lakad pa ako.

Nakita ko ito.




Mga tuyong dahon. Patay rin naman sila, pero, hindi sila tulad ng patay na ibon at patay na Gamu-gamo. Pero parte lang sila ng isang puno o kung anumang halaman. Buhay pa rin ang puno, natapos na lang ang buhay ng mga galamay. Kung baga sa tao, gangrenous foot, ang kinaiba lang, tutubo naman uli.


Tuyong dahon muli.

Mahal kong dahon.

Dahon.

Nakita ko rin ang mga maliliit na bunga na natuyo at nahulog na sa daan. Abortion bang maituturing kung hindi na sila tumubo dahil sa kongkreto sila bumagsak? Patay ba silang tunay? Babies ba sila? Naputol ba ang siklo ng buhay? Hmnn.. At dahil ba marami sila, mas wala silang halaga?

Mga tuyong bunga sa ilalim ng araw
Matapos ang duty buong gabi at sa umaga, sumama na ako sa aking mga kamag-aral para kumain sa Robinson. Sa Sbarro kami kumain at bagama't kuripot ako, napabili ako ng mahal na pagkain dahil mukha talagang masarap.

Ang masarap na di ko alam ang tawag at hindi maganda ang pagkakapesyur ko kaya't di mukhang masarap.
Napapaligiran ako ng namamatay. Narito ako't kumakain ng napakasarap para mabuhay.

Nabubuhay at namamatay.


Sabado, Mayo 3, 2014

Bulate-style Potato Balls


Ang potato balls o raspeball ay... pakibasa na lang, ang hirap mag-explain, haha.

Isa raw ito sa pinakasimpleng tradisyonal na pagkaing Norwego. Ugh. Hindi ko alam kung de hamak lang talagang mas madaling lutuin ang mga Pilipinong pagkain o bano lang talaga ako. 

Mula sa pagsisiyasat sa internet at sa pagtatanong sa isang tunay na Norwego (salamat!). Nabuo ko ang recipe ng Patatas Balls. Hindi pa ako nakakatikim ng totoong patatas balls, pero mukhang malapit naman sa nagawa ko. Nirerekomenda ko ang paraang ginamit ko sa mga Pilipinong wala namang food processor (dahil di naman uso dito 'yon, haha) at wala ring rutabaga o kålrabi (na hindi ko rin alam kung paano ibigkas). 

Paumanhin at wala akong ginamit na measuring cups o spoon sa pagluluto ko rito. Tantsa method na lamang. 



WORM'S RASPEBALL


Ang isang malaking patatas na halos sing laki ng kamao ay tama lamang para sa isang tao. 

Ingredients: 

2 big potatoes (good for two) - 25% ng mga patatas ay lulutuin bago pa gagawing balls at ang natitirang 75% ay mananatiling hilaw bago gawing balls. Kung may dalawang patatas, nangangahulugan lamang na may kalahating patatas na lulutuin at may isa't kalahating hindi muna lulutuin.

Left-over bread crumbs (optional) -- Left over at optional kasi parang walang point masyado, e. Normal na breadcrumbs sa supermarket lang ang binili ko. Dapat daw brown bread na tumigas o_O. Wala akong brown bread, e.

Flour - Dapat raw ay 'yong may brown-brown pa, 'yong parang mas kita ang butil-butil. Pero ewan, wala rin akong nakitang gano'n. Third class flour ang ginamit ko, iyong pang-monay, haha. Ang rationale lang naman daw nito ay para makaabsorb ng tubig kapag ginagawa na ang balls sa potato balls. Basically, kaunti lang ang kailangan, mga isang kutsara, kaya huwag bumili ng isang kilo.

Ground beef

Salt

Onions

Green peas

Sausages - Hungarian at Hollander Sausages ang binili ko. Hangga't maaari 'yong imported ang gamitin para tama ang lasa. Binili ko sa SM North Hypermarket ang sausages. Hindi iyong hotdog o longganisa o local na sausage. Filipinized na kasi ang lasa ng sausages natin kaya baka hindi bumagay sa patatas.

Butter - binili ko ay 'yong Lurpak Butter galing Denmark na nakita ko sa supermarket. Uh. Hindi naman nalalayo ang lasa ng Lurpak sa normal na butter natin. Mas mahal ang Lurpak kaya kung nagtitipid, kahit 'yong Magnolia Dairy Cream o kung anuman ay ayos lang.

1 Singkamas - pamalit sa rutabaga o Swedish turnip. Sabi ng wikipedia, Mexican turnip daw ang singkamas. Oh well papel, ayos naman ang singkamas. :D

Random plant for garnish - dahon ng talinom at dahon ng bayabas ang ginamit ko. Pakiusap na pakilinis lang kung sakaling galing sa lupa ang dahon, baka naihian 'yan ng pusa o aso o daga.

Paki-sundan na lang ang diagram para sa metodolohiya ng pagluluto. :D

Methodology:

1.     Kaldero 1: 2 tablespoons of ground beef + 1 minced onions + salt --> BOIL [Core 1]

Kaldero 2: Sausages --> BOIL (set aside)
Kaldero 2: 25% of potatoes (skinned and sliced) , green peas --> BOIL (set aside)

Pakuluan ang giniling na baka kasama ng pinong sibuyas at kurot ng asin. Ito ang magiging core ng potato balls. Kung baga sa siopao, ito 'yong palaman. 

Pakuluan ang sausages at singkamas.

Hanguin ang sausages at patatas at paghiwalayin.

2.   4 tablespoons of broth from the ground beef + 20 grams butter --> MELT (set aside)

3.     1 1/2 potatoes (skinned) --> GRATE or slice into smaller pieces then put in a BLENDER which is much easier. Get a piece of cloth or handkerchief. Put the grated or blendered potatoes on it, then squeeze the water out of the ground potatoes. Don't squeeze too hard or the potatoballs will be end up chewy. 

      Skin the singkamas/Mexican turnip --> GRATE or use a BLENDER (get the juice as well) -- (set aside)

Grated raw patatas
Dehydrated grated patatas. This one is over dehydrated because I gave all my effort in squeezing the water out of the grated potatoes.

4.     Boiled potatoes from #1 --> MASH

5.     Raw potatoes + Cooked potatoes + 1 tablespoon of  flour + Salt + 1 1/2 tablespoon of bread crumbs -->  MIX [Dough]

Mashed cooked potato with the grated raw potatoes
Mix. Mix.

Paghalu-haluin at ito ay ang magiging dough. :D

6.     [Core] + [Dough] --> Balls (turn the core into an inner core, and the dough as the outer core)


Potato balls with the ~1 tablespoon of ground beef inside each



7.     Kaldero 1: Potato balls --> BOIL, 30 minutes. Wait until they float.

8.   Serve the potato balls with sausages, green peas and mashed turnip. Pour the broth with butter on the potato balls. Put a random stem with leaf to prettify. 

Make sure to eat the potatoes with the singkamas, green peas and sausages. You can also put more butter on the potato balls while eating. Kakaibang experience! :D Endyoy! :D


Ideally, it should be garnished in a more formal and appetizing manner. However...

Potato balls done using a blender

Pasensya na sa pangit na quality ng pictures. 1.3 pixel front camera lamang ang gamit ko kahit haytek na ang panahon, haha. Nagluluko din ang photoshop ko, kaya hindi ko man lang na-edit ng maayos. Anywa, 'yan na! Haha. :D

Huwebes, Abril 24, 2014

Takbo

Lagi na lang may ginagawa. Lagi na lang may hinahabol. Lagi na lang may iniisip.

Hindi na naka-Gawa.

Miyerkules, Abril 23, 2014

Nakikiuso

Dahil na-inspire ako sa pinaka-inspiring at pinaka da bes na intern na nakilala ko, Si Kuya Fred Ting, gagawa rin ako ng blag.

Blag!


At nahulog ang istar sa earth. Blag.


Wala ng earth.



Sana lang kasing may sense ng blog niya ang blog ko, hahaha. :D